FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, January 30, 2016

4-anyos bata, ginahasa at sinaktan sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Isang lalaki ang nahaharap sa kasong rape matapos umano nitong gahasain ang isang 4-anyos na batang babae sa Zamboanga City.
Bukod sa rape, sinaktan rin umano nito ang kanyang biktima at isa pang batang babae na 6-taon gulang lamang. Sinabi kahapon ng pulisya na nasa piitan na ang suspek na si Mhadz Maut matapos itong maaresto.
Nabatid rin na noon nakaraang buwan naganap ang panggagahasa at pananakit, ngunit kamakailan lamang ito nalaman matapos na magsumbong ang bata sa kanyang mga magulang sa takot na muling maulit ang dinanas sa kamay ng lalaking hayok sa laman.
“The victim averred that suspect sexually molested her on one occasion,” ani Chief Inspector Rogelio Alabata, ang regional police spokesman. “The accused Mhadz Mautis facing charges of one count for rape and two counts of child abuse - violation of Section 10(a) in relation to Section 3(a) and (b) of RA 7610.”
Ang RA 7610 ay ang batas sa “protection against child abuse, exploitation and discrimination.”
Kasalukuyang nasa piitan ang suspek, ngunit maaari naman itong maglagak ng piyansa sa halagang P280,000 sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang mga kaso. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment