FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, January 27, 2016

Bebot tinaga ng asawa!

ZAMBOANGA SIBUGAY – Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang isang lalaki matapos nitong pagtatagain ang sariling asawa sa loob mismo ng kanilang bahay sa bayan ng Malangas sa Zamboanga Sibugay.
Ayon sa pulisya, tinangka umanong iwan ni Mayeth Sumaoy, 20, ang asawang si Randy, 32, matapos ng isang matinding away na pinaniniwalaang nag-ugat sa selos ng lalaki kamakalawa lamang.
Pinagsilbihan pa umano ni Mayeth ng almusal ang asawa sa kabila ng kanilang away isang gabi na ang nakaraan. Sinabi ng pulisya na hindi pinayagan ni Randy ang asawa at naki-usap pa ito na huwag siyang iwan, ngunit desidido umano ang babae dahil sa palagiang away nila.
Dito na umano nagwala si Randy at kinuha ang itak at saka pinagtataga ang babae. Sumuko rin umano si Randy kung kaya’t agad nadala sa pagamutan ang babae. Hindi pa mabatid ang kondisyon ng babae. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment