FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, January 29, 2016

Pagpaslang kay Kapitan, wala pa rin linaw!


Sinusuri ng mga forensic experts o Scenes of Crime Officer ang bangkay ni Barangay Chairman Arnel dela Cruz matapos itong mapatay sa Barangay Upper Tungawan sa Zamboanga Sibugay sa larawang ito na inilabas ng pulisya. (Ely Dumaboc)

ZAMBOANGA SIBUGAY – Wala pa rin linaw ang pagkakapatay sa isang barangay chairman na itinumba mismo sa kanyang lugar sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ng pulisya na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagpaslang kamakalawa kay Arnel dela Cruz, ng Barangay Upper Tungawan. Nabatid na kandidato ito sa halalan para sa Sanguniang Bayan, ngunit hindi pa malinaw ang motibo sa kaso.
Tatlong armadong lalaki umano ang tumira sa biktima habang papauwi sakay ng kayang motorsiklo sa kanilang bahay.
Binaril sa ulo si Dela Cruz ng .45-caliber pistol at dalawang basyo ng bala ang natagpuan sa lugar.  Walang ibinigay na pahayag ang pamilya ng biktima o kung may natatanggap itong banta sa buhay. (E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Copies: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper



No comments:

Post a Comment