FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, February 29, 2016

4 patay sa ambush sa Cotabato City

COTABATO CITY – Apat na katao, kabilang ang dalawang bata, ang patay matapos silang tambangan ng mga di-kilalang salarin sa magulong lungsod ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na si Rahima Tan, 40; at kanyang anak na si Giabel, 11; at Sanay, 10; at ang driver ng motorsiklong kanilang sinasakyan na si Jun Miraato, 22.
Nirata sila kamakalawa ng haponsa kahabaan ng Raja Tabunaway at dalawang armado ang sinasabing nasa likod ng pananambang. Agad rin tumakas ang mga salarin matapos na paulanan ng bala ang nga biktima.
Hindi pa malinaw ang motibo sa atake at patuloy ang imbestigasyon sa krimen. Hindi rin amtukoy kung may kinalaman ang pamamaslang sa rido o clan war ng mga Muslim. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment