FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, April 29, 2016

4 katao tumba sa pulisya sa Davao City

DAVAO CITY – Apat na hinihinalang drug pusher ang napatay kahapon ng madaling araw sa hiwalay na operasyon ng pulisya sa Davao City.
Sa ulat ng awtoridad, nanlaban diumano ang mga suspek kung kaya’t napilitang ang mga parak na ipagtanggol ang kanilang sarili at nakipagbarilan hanggang sa mapatay ang mga target ng operasyon.
Nakilala naman ang mga nasawi na sina Jojit Obatonon, Edward Magno, Bobby Daquigan at Renato Alamara sa ibat-ibang barangay doon. Nabawi rin ng pulisya ang mga droga at baril mula sa mga ito. 
Nadakip rin sa naturang operasyon ang mahigit sa isang dosenang suspek sa droga. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment