FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, April 29, 2016

Sagupaan sa Bukidnon sumiklab

CAGAYAN DE ORO CITY – Daan-daang katao na ang nagsilikas umano sa ilang barangay sa bayan ng Talakag sa lalawigan ng Bukidnon matapos na magsagupaan ang militar at mga rebeldeng New People’s Army doon.

Nabatid na kamakalawa pa nagsimula ang sporadic fighting sa Barangay Lirungan, ngunit hindi agad mabatid kung may casualties sa labanan dahil walang inilalabas na pahayag ang 4th Infantry Division.

Sa ulat naman ng pulisya, may dalawang sibilyan umano ang nasawi at isa ang sugatan subali’t hindi mabatid kung naipit ang mga ito sa labanan o kasama sa sagupaan. May mga ulat rin na pawing mga armadong natibo ang nakabangga ng militar

Matagal ng nakikibaka ang NPA sa pamahalaan upang maitatag nila ang sariling estado sa bansa. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment