FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, October 29, 2016

4 jihadist natimbog sa Cotabato

COTABATO CITY – Nadakip ng militar at pulisya ngayon Sabado ang 4 na umano’y miyembro ng isang jihadist group matapos na lusubin ang kanilang taguan sa Cotabato City sa Mindanao at kasama umano ang mga ito sa September 2 night market bombing sa Davao City.
Miyembro ng grupo ni Abdullah Maute ang mga nadakip at ngayon ay kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya. Nabawi sa kanilang taguan ang mga ibat-ibang armas, bala at improvised explosives. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga suspek, ngunit kasamahan umano sila ng apat na iba pang nadakip nitong buwan lamang sa Cotabato City.
Hindi naman sinabi ng pulisya o militar kung paanong natunton ang mga suspek, subali’t posibleng galing ito sa grupo ni TJ Macabalang, ang itinuturong bomber sa Davao City.
Dinakip si Macabalang kasama ang amang si Teng Macabalang at Wendel Pactuan, at isa pang suspek sa naturang atake. Miyembro rin sila ng Maute group na sumumpa sa Islamic State. Patuloy pa ang paghahanap sa iba pang mga sangkot sa Davao bombing na ikinamatay ng 69 katao.
Mahigit sa isang dosenang jihadist ang umano’y kabilang sa nagplano sa pambobomba sa Davao. (Mindanao Examiner)



No comments:

Post a Comment