FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, October 27, 2016

Prosecutor, itinumba!

DAVAO CITY – Napatay ang isang government prosecutor sa lungsod ng Mati sa lalawigan ng Davao Oriental sa magulong rehiyon ng Mindanao.
Nabatid sa mga ulat na papasok umano sa kanyang trabaho si Atty. Rolando Acido ng ito’y birahin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga.
Agad rin tumakas ang mga kriminal na pinaniniwalaang hired killers. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagkakapaslang kay Acido, ngunit kinondena ito ng mga kaibigan at kasamahan sa Hall of Justice.
Iniimbestigahan naman ng pulisya ang krimen upang mabatid kung sino ang nasa likod nito o ano ang dahilan ng pagpatay kay Acido.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ni Acido. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment