Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Wednesday, December 21, 2016

Bading, pinatay ng live-in partner!

DAVAO CITY – Isang lalaki ang dinakip ng pulisya matapos na diumano’y mapatay ang baklang live-in partner nito sa Davao City.
Nakilala ang suspek na si Christopher Dominayos, 30, at ang biktimang call center agent na si Jasper Oribia, 25. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng kanilang inuupahang kuwarto sa isang boarding house sa New Matina.
Nagulat na lamang ang mga nasa boarding house nang makarinig ng kaguluhan sa kuwarto ng dalawa at makitang dugaan si Jasper. Doon nabatid na sinaksak umano ni Christopher ang bading. Isinugod pa ng mga tagaroon si Jasper sa pagamutan, ngunit dead on arrival na ito.
Agad rin nahuli si Christopher at ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal. Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek, ngunit posibleng selos ang ugat ng pagaaway ng dalawa. Base sa inisyal na ulat ng pulisya ay kinompronta ni Christopher ang live-in partner nito sa kanyang paguwi. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment