Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Tuesday, December 27, 2016

Magsasaka, tinaga sa leeg ng kinakasama ng dating asawa

NORTH COTABATO - Patay ang isang 50-anyos na magsasaka matapos itong tagain sa leeg ng lalaking kinakasama ng dating asawa sa bayan ng Bansalan sa Davao del Sur.

Ayon sa pulisya, dinalaw lamang ng biktimang si Jimmy Ando ang kanyang mga anak sa dating live-in partner nitong si Anita Algabre sa bahay nito sa Purok Escalante sa Barangay Managa, ngunit naabutan umano ito ng kinakasama ng babae na si Reynaldo Tondo Jr, 56, at agad na sinugod ang biktima.

Tinaga umano ni Tondo ang biktima sa leeg sa akalang binabalikan nito ang babae at saka mabilis na tumakas. Sinabi ng pulisya na halos matanggal na ang ulo ni Ando sa lakas ng pagkakataga sa kanyang leeg. Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek. Hindi naman nagbigay ng pahayag ang babae ukol sa naganap. (Rhoderick BeƱez)

No comments:

Post a Comment