Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Tuesday, December 27, 2016

Sundalo, niratrat sa harapan ng bahay!

NORTH COTABATO - Isang sundalo ng Philippine Army ang pinaslang ng mga di-kilalang armado sa harapan mismo ng kanyang bahay sa bayan ng Alabel sa Sarangani province sa Mindanao. 

Nakilala ang biktima na si Cpl. Jomar Estifano, 28, at miyembro ng 73rd Infantry Battalion. Nakadestino ito sa Davao Occidental, ngunit umuwi lamang upang makapiling ang kanyang pamilya.

Ayon sa salaysay ng kanyang asawa, nakipagkita ang sundalo sa kanyang mga pinsan at papasok na sana sa kanilang bahay ng ito ay dagitin ng dalawang lalaking nakasakay sa isang motorsiklo at saka niratrat.

Ani pa ng asawa, bubuksan na sana nito ang gate upang makapasok ang motorsiklo ng sundalo, ngunit bago pa man ito ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa kalaliman ng gabi at bumulagta ang sundalo sa malamig na kalsada. Hindi pa mabatid kung sino ang nasa likod ng pagpatay, ngunit aktibo ang mga rebeldeng komunista sa naturang lugar at sa Davao Occidental.

Nagiimbestiga na rin ang pulisya sa naganap na krimen. (Rhoderick BeƱez)

No comments:

Post a Comment