Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Saturday, January 28, 2017

BIFF, lumusob sa North Cotabato

NORTH COTABATO – Nilusob kaninang madaling araw ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang ibat-ibang mga detachment ng militar sa lalawigan ng North Cotabato sa magulong rehiyon ng Mindanao.
Tikom ang bibig ng mga opisyal ng 6th Infantry Division at Western Mindanao Command, ngunit kinumpirma naman agad ito ng pulisya bagama’t limitado lamang ang detalye nito.
Ang atake sa bayan ng Pikit at Aleosan ay nagpatunay na butas ang seguridad ng military sa naturang lalawigan. Niratrat ng mga rebelde ang mga outpost ng 7th Infantry Battalion, ngunit wala naman inulat na nasawi sa panig ng mga sundalong nagbabantay sa mga lugar.
Nilusob rin ng BIFF ang mga detachment nitong Sabado ng gabi at muling dinagit kahapon bago magbukang-liwayway. Kaliwa’t-kanan ang pakawala ng mga B40 anti-tank rocket ng mga rebelde at matatas na calibre ng armas.
Walang impormasyon kung may nasawi o sugatan sa panig ng BIFF na kaalyado naman ng mga jihadist sa kalapit lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur na kung saan ay patuloy rin ang opensiba ng military laban sa mga ito.
Nais ng mga naturang grupo – na sumusuporta sa Islamic State - na maitatag sa Mindanao ang isang caliphate. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment