Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Wednesday, February 22, 2017

2 balot vendor di-pinatawad ng mga holdaper

ZAMBOANGA CITY – Halos mangiyak-ngiyak ang dalawang magbabalot matapos silang holdapin kaninang madaling araw ng dalawang lalaking armado ng patalim sa Zamboanga City.
Sinabi nina Gilbert Gabutero, 20; at James Halud, 18, na tinutukan sila ng patalim ng dalawang lalaki sa harapan lamang ng Cecile’s Pharmacy sa Barangay San Roque at tinangay ang kanilang kinita na aabot sa P2,500 at isang cell phone na nagkakahalaga naman ng P5,000.
Tumakas ang dalawang salarin sakay ng kanilang motorsiklo na may temporary plate number na 09003. Hindi pa mabatid kung nakunan ba ng surveillance camera sa naturang lugar ang krimen. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment