Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Friday, February 10, 2017

Lalaki, nagpakamatay sa mall

DAVAO CITY – Isang lalaki ang nagpakamatay kaninang umaga matapos na tumalon sa ika-limang palapag ng Gaisano Mall sa Davao City sa Mindanao.
Hindi pa makilala ang lalaki at kung ano ang dahilan ng pagpapatiwakal nito. Nakasuot lamang ito ng short pants at striped na polo-shirt at patay agad matapos na mabasag ang ulo nito. Nabatid na umakyat ito sa Atrium at doon ay bigla na lamang lumundag sa kanyang kamatayan.
Wala rin nakuhang mga identification cards sa bulsa ng kanyang short pants, ngunit nasa edad 25-30 ito, ayon sa pulisya.
Hindi naman mabatid kung bakit walang mga security guards sa Atrium o sa naturang palapag at naagapan sana ang pagtalon ng lalaki. (Malou Cablinda)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:

Post a Comment