Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Tuesday, February 21, 2017

‘Ninja cops’ dumating na sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Dumating na kanina sa Zamboanga City ang mahigit sa apat na dosenang “ninja cops” na itinapon ng pulisya sa Mindanao dahil sa umano’y pagkakasanggkot sa iba’t-ibang kaso at inaasahan na marami pa ang ipadadala sa magulong rehiyon bilang parusa sa kanila.
Sakay ng isang Philippine Air Force cargo plane ang 53 mga parak - na karamihan ay mula pa sa National Capital Region Police Office – ng sila ay lumapag dito at agad rin dinala sa Philippine Navy headquarters para sa deployment sa kalapit na lalawigan ng Basilan.
Mahigit sa 200 mga “ninja cops” ang ipinatapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at yun ayaw na madestino doon ay sisibakin sa puwesto.
Naunang inalmahan ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang pagpapadala ng mga ito sa Basilan dahil baka maka-impluwensya umano ang mga “ninja cops” sa matitinong pulis. Sinabi ni Duterte na isasabak sa laban sa Abu Sayyaf ang mga ito. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment