Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Thursday, March 9, 2017

All-out offensives sa Basilan ikinasa vs. Abu Sayyaf

ZAMBOANGA CITY – Muling ipinag-utos kahapon ng military sa mga tropa nito sa magulong lalawigan ng Basilan ang pagtugis sa Abu Sayyaf matapos na mapatay umano ng mga sundalo ang 4 miyembro ng rebeldeng grupo doon.
Sinabi ni Major General Carlito Galvez, hepe ng Western Mindanao Command, na suportado diumano ng mga sibilyan at pamahalaang lokal ang opensiba ng military laban sa Abu Sayyaf.
“All-out offensives are being conducted by the Joint Task Force Basilan with the support and coordination of the local government, police, and civilians in the province against the Abu Sayyaf bandits who are responsible for the conduct of bombings, extortion activities, and kidnappings in Basilan,” pahayag pa ni Galvez.
Nagyabang pa ang heneral na tatapusin nito ang Abu Sayyaf sa loob ng 6 buwan. “The entire command is more motivated to go after and finish-off the group within the next six months or less,” ani Galvez, ngunit ito rin angf mga sinabi ng mga nakaarang heneral sa Basilan at hepe ng Philippine Army at Armed Forces of the Philippines, subali’t lahat ay nabigo.
Napatay ng mga sundalo nitong Miyerkoles lamang si Ustadz Mobin Kulin, alis Mulawin, na sinasabing pinsan ni Abu Sayyaf chieftain Isnilon Hapilon; at 3 iba pa sa sagupaang naganap Tapiantana Island na sakop ng Basilan. Nabawi rin doon ang mga ibat-iabng armas at bomba. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment