Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Saturday, April 29, 2017

Mindanao niyanig ng lindol

GENERAL SANTOS CITY - Niyanig ng malakas na lindol kaninang madaling araw ang lalawigan ng Sarangani at naramdaman rin ito sa ibat-ibat panig ng Mindanao na kung saan ay naglabas pa ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.
Naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 7.2 dakong alas 4.23 ng madaling araw at tectonic ang sanhi nito o mula sa ilalim ng lupa. Walang naitalang malalaking alon sa mga coastal areas at binawi rin ng Philvocs ang tsunami warning na inilabas nito.
"Akala ko nga eh mahuhulog na yun television dahil malakas talaga ang lindol at tumakbo na lamang kasi sa labas ng bahay," ani Mercedes Panero, mula sa kanyang tirahan sa Surallah sa South Cotabato na kung saan ay magnitude 5 ang lakas ng lindol doon. Naramdaman rin ito sa eastern at central Midnanao, gayun rin sa Zamboanga City sa western Mindanao.
"Medyo malakas rin yun pagyanig at nagtagal yata ng halos dalawang segundo," ayon naman kay Joaquin Reyes sa Zamboanga City.
Bahagya rin naramdaman ito sa northern Mindanao, partikular sa Cagayan de Oro City. Walang naiulat na nawasak na gusali, bagama't may mga lumang bahay ang nakitaan ng crack sa mga nasabing lugar, ayon sa mga ulat. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:

Post a Comment