Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Sunday, April 9, 2017

US Embassy, na-praning sa Abu Sayyaf

ZAMBOANGA CITY - Matapos na pagbawalan ng US Embassy ang mga Amerikano na huwag tutungo sa Mindanao at Sulu archipelago dahil sa banta ng Abu Sayyaf ay mahigpit naman ang babala nito kahapon sa kanilang mga kapwa na iwasan ang Central Visayas dahil sa posibleng atake ng mga ektremista doon.
Sa advisory na inilabas ng embassy, sinabi nito na mayroon impormasyon na titira ang mga teroristang grupo at dukutin ang mga Kano. "US citizens are advised to carefully consider this information as you make your travel plans, and to review personal security plans, avoid large crowds and gatherings, and remain vigilant at all times," ayon pa sa babala.
"US citizens should be mindful of the importance of taking preventative measures to ensure their safety and security while traveling and residing in the Philippines‎," dagdag pa nito.
Ngunit wala pang kumpirmasyon ito mula sa lokal na awtoridad, bagamat nakasaad sa babala na target ng mga terorista ang ibat-ibang lugar tulad ng sinehan, palengke, pampasaherong bus at jeep o terminal, eroplano o airport, malls, restoran at maging mga bars at iba pa.
Noon October 2004, binomba ng Abu Sayyaf at Rahaj Sulaiman Group ang Superferry 14 sa Manila Bay na ikinamatay ng mahigit sa 100 pasahero. Galing ang barko sa Cagayan de Oro City sa Mindanao ng sumabog ang isang television na tinaniman ng bomba sa loob. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment