FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, October 21, 2017

Vice Mayor, 2 iba pa huli dahil sa ilegal na armas

COTABATO CITY – Dinakip kahapon ng pulisya ang vice mayor at isang barangay kapitan ng bayan ng Palimbang sa Sultan Kudarat province matapos na lusubin ng mga awtoridad ang kanilang mga bahay dahil sa pagtatago ng mga armas na wala umanong papeles.
Isa pang sibilyan ang nasakote ng mga parak matapos itong maabutan sa bahay ni Barangay Medol charman Abubakar Abdullah na kung saan ay nadakip rin si Abdullah Ibrahim dahil sa dala nitong .45-kalibre pistol.
Nabawi naman kay Vice Mayor Harun Sabiwang ang isang M203 rifle na may nakakabit na grenade launcher at isang .45-kalibre pistola. Nahaharap ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms matapos silang mabigo na magpakita ng mga lisensya sa kanilang mga armas.
Ayon sa mga ulat, nitong buwan lamang ay pinasok rin ng mga awtoridad ang bahay ni Palimbang Mayor Abubakar Maulana at nakuha sa kanyang tahanan ang isang granada. Hindi pa natatagpuan si Maulana. Bahagi umano ang nasabing operasyon sa kampanya ng pulisya kontra ilegal na armas. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment