FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, January 20, 2019

Ama at anak, pinatay sa Maguindanao

KIDAPAWAN CITY - Patay ang isang ama at kanyang menor-de-edad na anak na lalaki matapos silang ratratin ng mga di-kilalang armado sa bayan ng Mamasapano sa magulong lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa pulisya, naganap ang atake nitong Sabado sa Barangay Dabenayan. Nakilala ang mga mga nasawi na sina Alimudin Bansuan, 41; at Gaga, 11, na kapwa nakatira sa Barangay Rosary Heights 3 sa Cotabato City. Galing umano ang mga biktima sa Barangay Libutan ng naturang bayan.

Pauwi na ang mag-ama lulan sa isang puting kotse) alas-10:15 ng umaga ng tambangan ng mga armadong naka-sakay sa motorsiklo. Sinabi naman ng pamilya ng mga biktima na wala umanong kalaban si Alimudin o banta sa kanyang buhay.

Nitong Biyernes lamang at napatay rin sa ambush sa Barangay Macaguiling sa bayan ng Sultan Kudarat ang dalawang kalalakihan na sina Dungag Macabangon at Bryan, kapwa mga residente ng Town Site sa bayan ng Parang sa Maguindanao rin. Nakaligtas naman ang isa pang kasama nila na patuloy na nilalapatan ng lunas sa bahay pagamutan na pag-aari ng pamahalaan.

Ang dalawang magkahiwalay na ambush ay nangyari sa kabila ng may mga naikalat na mga pulis at sundalo para sa gagawing plebesito ngayong araw hinggil sa Bangsamoro Organic Law. (Rhoderick BeƱez)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com 
Mirror Site:  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates


No comments:

Post a Comment