Tuesday, July 21, 2015

Opisyal ng Cotabato, tinambangan

COTABATO CITY - Sugatan ang isang opisyal ng lungsod ng Cotabato matapos itong tambangan ng mga di-kilalang armado kahapon sa harapan ng isang restoran.
Ayon sa ulat, isinugod sa pagamutan si Anecito Rasalan matapos na magtamo ito ng sugat mula sa tama ng mga bala. Nabatid na nagiisa sa kanyang sasakyan si Rasalan ng ito'y ratratin sa harapan ng Casa Blanca sa kahabaan ng Sinsuat Avenue.
Hindi pa mabatid ang motibo sa atake o kung may kinalaman ito sa away o pulitika, ngunit ayon sa ulat ng TV 5 ay tinamaan sa kanyang pisngi at tainga si Rasalan na secretary naman ni Mayor Japal Guiani Jr.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso at wala rin umako sa pananambang. (Mindanao Examiner)