Monday, November 9, 2020

Mister, inutas sa harap ng misis

MATAGAL NA alitan sa pamilya o ‘rido’ ang isa sa mga anggulong tinututukan sa pagbaril at pagpatay sa isang 52-anyos na magsasaka sa harap mismo ng kanyang asawa sa bayan ng Barira sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Samsodin Deragin at residente ng Sitio Sabpi sa Barangay Liong.

Batay sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang multicab pasado kasama ang kanyang misis at binabagtas ang secondary road sa Sitio Rakulan sa naturang barangay ng paulanan sila ng bala.

Maswerteng nakaligtas ang babae sa pamamaril na naganap kamakailan lamang.

Nagtamo naman ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na siyang ikinamatay nito. (Rhoderick BeƱez)


Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates