NORTH COTABATO - Nagpositibo sa Covid-19 si Alamada Mayor Jesus Sacdalan matapos itong mahawa sa isang pagtitipon kaugnay sa kanyang trabaho.
![]() |
| Alamada Mayor Jesus Sacdalan |
Sinabi ni Sacdalan na ito ay naka-quarantine na sa kasalukuyan at nasa maayos na kalagayan.
Sa kanyang
Facebook post, ito ang sinulat ni Sacdalan: “Sa lahat ng minamahal kong Alamadians, nais ko pong
ipaalam sa inyo na ako po ay nag positibo sa Covid-19 dahil may nakasalamuha
ako na positibo sa Covid-19 sa isang pagtitipon habang ginagampanan ko ang
tungkulin bilang inyong Municipal Mayor.
Kasalukuyan akong
naka-quarantine, ngunit huwag kayong mag-alala sapagkat nasa maayos po akong
kalagayan. Para na rin sa kaligtasan ng lahat at mga taong palagi kong
nakakasalamuha, kinakailangan kong sundin ang tamang proseso.
Sa lahat ng aking
mga nakasalamuha simula noong May 12, sana kayo ay magself-quarantine o home
quarantine at kong mayroon kayong nararamdaman na sintomas, agad itong
ipagbigay alam sa ating Rural Health Unit. Ito ay isa lamang patunay na sa
kabila ng pag-iingat, ang banta ng Covid-19 ay nariyan. Patuloy po nating
sundin ang mga minimum health standards na ipinapatupad ng Department of Health
para mapanatili ang ligtas na pamumuhay sa bayan ng Alamada. God Bless, Stay
Safe and We Heal as One.” (Rhoderick
BeƱez)

No comments:
Post a Comment