SA KABILA ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, patuloy pa rin na lumalabag sa guidelines ang maraming mga residente sa Zamboanga City.
![]() |
| (Kuha ni Barangay Santa Maria BION Ron Abayle) |
Kamakailan lamang, nagulantang ang mga opisyal ng Barangay Santa Maria matapos na makitang naliligo sa ilog ang maraming mga tao kahit pa nasa ilalim ng Sunday lockdown ang buong Zamboanga.
Karamihan sa mga lumabag sa batas ay mga residente ng Barangay Santa Maria, Pasonanca at Tumaga. Nag-picnic at naligo ang mga ito sa ilog kahit pa mahigpit na ipinagbabawal.
Mismong mga miyembro ng Barangay Sita Task Force at mga parak at barangay tanod sa pangunguna ni Barangay Chairman Los Eli Angeles ng Santa Maria ang lumusob sa lugar matapos na matimbrihan ang mga naliligo sa naturang ilog.
Binigyan umano ng orientation ukol sa health protocols ang lahat ng lumabag sa batas, ngunit hindi naman agad mabatid kung sila ba ay pinagmulta. Isa ang Barangay Santa Maria sa may pinaka-maraming Covid-19 cases sa Zamboanga.
Maraming mga residente ang matitigas
ang ulo at patuloy na lumalabag sa health protocols at daan-daan ang nahuhuli
ng pulisya araw-araw. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates


No comments:
Post a Comment