ZAMBOANGA CITY - Nasa kritikal na kalagayan ang isang lalaki matapos itong magsaksak sa sarili at sugatan naman ang asawa nito na kanya sanang pupugutan ng ulo sa Zamboanga City dahil sa matinding selos.
Nabatid na 7-buwang buntis ang babae na nakilalang si Sahayal, 32, at nataga ito sa tiyan ng kanyang asawang si Dilira, 41; matapos ng matinding pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mamopang kamakalawa ng gabi.
Kinompronta umano ni Dilira ang kanyang asawa at tinanong kung sino ang tunay na ama ng dinadala at dito nauwi sa pagtatalo ang usapan. Gigilitan sana ng leeg ni Dilira ang kanyang asawa, subali’t nahawakan naman ni Sahaya ang itak kung kaya’t nasalba nito ang kanyang ulo.
Doon naman nakakuha ng pagkakataon si Dilira na tagain ang tiyan ni Sahaya. At ng makitang duguan ang babae ay tila naibsan ang poot ni Dilira at agad binitawan ang itak at niyakap ng mahigpit ang asawa.
At matapos nito ay kumuha naman si Dilira ng kutsilyo at sinaksak ang sarili. Parehong naisugod ng mga kapit-bahay ang mag-asawa at ngayon ay inoobserbahan sa pagamutan.
Ayon sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya ay selos umano ang dahilan ng matinding galit ni Dilira. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment