FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Tuesday, August 4, 2015

Bebot sa Zambo, sentensyado dahill sa armas

ZAMBOANGA CITY – Sentensyado ng korte dito ang isang babae na nahulihan ng armas at mga bala, ngunit iniuugnay rin ng pulisya ito sa madugong pambobomba sa Zamboanga City. 
Nakilala ang babae na si Baby Muallam at ayon sa pulisya ay guilty ito sa paglabag sa Section 31 ng Republic Act 10591, o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. 
Si Judge Catherine Fabian, ng Regional Trial Court Branch 16, ang humawak sa kaso at kamakailan lamang ibinaba ang desisyon laban kay Muallam. 
Sinabi ng pulisya na suspek rin ang babae sa pambobombang naganap sa Barangay Guiwan nitong Enero 23 na kung saan ay 2 katao ang nasawi at mahigit 50 ang sugatan. Iniwan ang bomba sa isang kotse sa labas ng isang disco pub sa harapan ng bus terminal at nasunog ito bago sumabog. 
Kabilang sa mga sangkot sa pambobomba ay sina Muammar Askali at Nidz Asmad na sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment