Pantao-Ragat Mayor Neshren Eleanur Dimaporo Lantud
Kasama rin ng Alkalde sina Pantar Mayor Mangundaya Tago, Maigo Mayor Rafael Rizalde, Balo-i Mayor Hanipa Ali, at si Lanao Del Norte Board Member Atty Osop Omar. (Kuha ni Ely Dumaboc)
Kasama rin ng Alkalde sina Pantar Mayor Mangundaya Tago, Maigo Mayor Rafael Rizalde, Balo-i Mayor Hanipa Ali, at si Lanao Del Norte Board Member Atty Osop Omar. (Kuha ni Ely Dumaboc)
LANAO DEL NORTE - Sa kauna-unahang pagkakataon ay mismong ang magkakamag-anak na Dimaporo siyang pinaka-malaking angkan sa lalawigan ng Lanao del Norte ang posibleng magkakatunggali sa pagka-gobernador sa halalan sa 2016.
Ito'y matapos ang ginawang deklarasyon ni Pantao-Ragat Mayor Neshren Eleanur Dimaporo Lantud na siya ay tatakbong gobernador laban kay Imelda Quibranza Dimaporo.
Ang deklarasyon ay itinaon pa sa malakihang pagpupulong ng mga kasapi sa Liberal Party sa Pantao-Ragat. Suportado naman ng marami ang desisyon ng Alkalde.
Laging "No Retreat, No Surrender" ang tugon ng Alkalde sa mga kagawad ng media na sumaksi sa kanyang deklarasyon.
Ang mga nakapalibot sa Alkalde na kapwa miembro ng Liberal Party ni Pangulong Aquino ay nagbitiw na rin ng mga maaanghang na salita laban sa isang kampo ng mga Dimaporo na kasalukuyang nangangasiwa sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa mga tinukoy ni Lanao del Norte Board Member Atty. Osop Omar ay ang umanoy pagbayad sa ilang mga miyembro ng media para i-promote ang turismo sa Lanao del Norte kung kaya't tikom na umano ang bibig ng mga ito sa mga tunay na nagaganap sa Kapitolyo.
May alegasyon pa ang kampo ni Omar na may mga "ghost employees" umano sa Kapitolyo, ngunit hindi naman pinangalan ng grupo kung sino ang mga ito at gayun rin ang mga bayarang media.
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang kampo ni Lanao del Norte Governor Khalid Dimaporo kaugnay sa mga akusasyon at deklarasyon ng Alkalde sa kanyang pagtakbo bilang gobernador.
Ang Alkalde at iba pang kasamahan nito ang umano'y orihinal na kasapi ng Liberal Party sa buong lalawigan, na kung saan mismong si Pangulong Aquino ang nagbigay ng pahintulot sa kanilang grupo na i-kampaniya si Interior Sec. Mar Roxas sa pagka-Pangulo sa darating na eleksyon.
Malaki rin ang suporta ng Alkalde hindi lamang sa kanyang nasasakupan, kundi maging sa buong lalawigan. (E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment