FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, August 7, 2015

Lalaki, tinadtad ng bala sa Pagadian City

PAGADIAN CITY – Isang lalaki ang tinadtad ng bala ng mga di-kilalang salarin matapos itong ma-corner sa isang lugar sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur. 
Sinabi ng pulisya kahapon na patuloy ang imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Eduardo Bucol, 51. Natagpuan ang katawan nito sa Barangay Bulatoc na kung saan siya nasukol ng mga salarin. 
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo si Bucol ng ito ay harangin ng mga armado at saka pinagbabaril. Nagtangka pa umanong tumakas si Bucol at nakasibat ng halos 100 metro, ngunit dahil sa tinamong tama ng bala ay bumagsak ito sa Purok Mauswagon at doon na ito niratrat ng husto ng kanyang mga kalaban. 
Nabawi ng pulisya ang isang .45-caliber pistol na hawak pa ni Bucol at isang magazine at mga bala at posibleng nagawa pa nitong makipaglaban. Natagpuan sa lugar ang apat na basyo ng .45-caliber pistol at apat na basyo ng automatic rifle. 
Hindi pa mabatid ang motibo ng pagpatay at kung sino ang nasa likod nito, ngunit talamak ang patayan sa Pagadian dahil sa mga naglipanang guns-for-hire. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment