CAGAYAN DE ORO CITY – Mistulang napahiya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang binitiwang salita sa Cagayan de Oro City na nagpapahiwatig na dapat umanong itumba ng pulisya doon ang mga kriminal sa halip na buhayin pa ang mga ito.
Ito ay matapos na sagutin ng pulisya doon na nire-respeto ng bawat parak sa Cagayan de Oro ang batas at hindi ito lalabagin ng awtoridad.
Sinabi ni Duterte na huwag ng ilibing ang mga bangkay ng kriminal at sa halip ay itapon na lamang ito sa dagat at ipakain sa mga isda. Nasa Cagayan de Oro kamakalawa si Duterte na kung saan ay nagsalita ito sa harapan ng mga grupo ng abogado, huwes at mga estudyante.
Ayon naman kay Superintendent Lemuel Gonda, ang operations chief ng Cagayan City Police Office, ay walang puwang ang vigilantism sa hanay ng pulisya. Inalmahan rin ng mga konsehal ang binitiwang salitan ni Duterte at respetado umano sa Cagayan de Oro ang human rights.
Walang humpay si Duterte sa pagiikot sa ibat-ibang bahagi ng Mindanao upang pulsuhan ang publiko sa kanyang balak na pagtakbo bilang president o bise president sa halalan sa susunod na taon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
No comments:
Post a Comment