FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, August 6, 2015

Tubig sa Zambo dam patuloy na tumataas dahil sa bagyo

ZAMBOANGA CITY - Nagbabala ngayon si Mayor Beng Climaco sa publiko na mag-ingat sa baha matapos na tumaas ang tubig sa Pasonanca dam dahil sa walang tigil na buhos ng ulan sa Zamboanga City dahil sa bagyong Hanna.

Ilan barangay na rin ang napaulat na binaha at agad na nagpadala si Climaco ng mga teams upang matignan ang sitwasyon doon. Nagbabala rin ito sa mga naninirahan sa mga coastal areas at tabing-ilog na lumikas agad kung sakaling tumaas pa ang tubig dahil sa ulan.

"Water level at the Pasonanca diversion dam is above normal at 75.10 meters - normal elevation is 74.20 meters - thus people residing in identified highly susceptible flood areas are advised to take necessary precautionary measures," ani Climaco.

"Scattered rains in Zamboanga City has caused flooding and life-threatening situations in some barangays. In this case, school authorities in coordination with the barangay councils concerned, CDRRMO and Barangay Affairs Office, should exercise discretion on class and work suspension at the barangay level. Safety and protection of the people particularly students should be our primordial concern. Let us remain vigilant and be involved in disaster preparedness," dagdag pa ni Climaco.

Ang CDRRMO ay City Disaster Risk Reduction Management Office sa ilalim ni Elmeir Apolinario.

Kamakailan lamang ay isang barge na may dalang buhangin ang lumubog sa karagatan ng Zamboanga del Sur at nasawi ang chief mate nitong si Nashruddin Ayunan. 

Nailigtas naman ang 12 na crew ng barge na galing pa umano sa Maguindanao at patungo sana sa lalawigan ng Basilan. Ang barge na may pangalan Emelia 2 na tumagilid ito di-kalayuan sa bayan ng Tabina hanggang sa tuluyang lumubog. (Mindanao Examiner)


Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News


No comments:

Post a Comment