FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 27, 2016

Kapitana, itinumba sa Zambo Norte

PAGADIAN CITY – Hindi na umabot sa eleksyon ang isang barangay kapitana matapos itong ratratin sa bayan ng PiƱan sa Zamboanga del Norte.
Ayon sa pulisya, pawang sa dibdib ang tama ni Ledma Semina, 33, ng Barangay Ubay na agad nitong ikinamatay. Binira si Ledma nitong umaga ng Biyernes sa highway mismo ng Poblacion.
Sa pahayag kahapon ni Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, ay nadakip na umano ang salarin matapos sa isinagawang operasyon ng pulisya doon sa pangunguna ni Insp. Eduardo Timbol.
Nakilala ang salarin na si Jonathan Montano, 43, na residente ng katabing Barangay Del Pilar at nabawi sa kanya ang isang .45-caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit nito sa krimen.
Natimbog umano si Montano sa kanyang bahay matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya ukol sa kanya. Ayaw umanong magsalita ni Montano sa pamamaslang sa kapitana, ngunit inaalam na ng pulisya ang background ng suspek at posibleng motibo ng pagpatay.

Hindi pa mabatid kung may kinalaman sa pulitika at sa darating na halalan ang pagkakaligpit kay Ledna. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment