FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Monday, March 28, 2016

Bata, hinataw sa ulo ng amain!

PAGADIAN CITY – Isang 20-anyos na lalaki ang nahaharap sa kasong child abuse matapos umanong hatawin nito ang batang anak ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Labason sa Zamboanga del Norte province.
Kinilala naman ni Chief Insp. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, ang akusado na si Dante Cruz na agad naman nadakip sa Barangay Gabu. Nabatid na isang kapit-bahay na nakilalang si Catalina Handugan, 45, ang nagtungo sa himpilan ng pulisya kasama ang 6-anyos na batang lalaki upang i-reklamo ang amain.
Sinabi ng bata na hinataw umano siya ng sinturon ng amain dahil lamang sa isang nawawalang panyo ni Dante. Pilit umanong hinahanap sa bata ang naturang panyo at ng wala itong masagot ay saka naman pinagpapalo ng sinturon ang biktima hanggang tamaan ito sa ulo ng buckle at dumugo.
Nakita rin ng mga imbestigador ang mga natuyong dugo sa damit ng bata kung kaya’t agad hinanap ang amain sa barangay hanggang sa natagpuan at madakip ito kinabukasan.
Ayon kay Alabata, sasampahan rin ng ina ng kaso ang kinakasama dahil sa ginawang pananakit sa bata. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment