FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Friday, April 1, 2016

2 carnapper sa Davao patay sa labanan

DAVAO CITY – Dalawa umanong carnapper ang napaslang ng mga parak sa Davao City matapos na umano’y manlaban sa kanila kahapon ng madaling araw habang papatakas ang mga ito.
Isa sa mga nasawi ay nakilalang si Wilbert Camingawan, na may ID ng Auxiliary Group ng Philippine Army, at natibo ng bayan ng San Fernando sa Bukidnon province. Hindi pa nakilala ang kasama nito, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa background ng dalawa.
Natiyempuhan ng mga parak ang dalawang lalaki sa Madapo Hills sa Barangay 5-A na tangay ang isang motorsiklo. Ito’y matapos na matanggap ang impormasyon ukol sa mga suspek.
Nagpaputok umano ang mga ito kung kaya’t nauwi sa running gunbattle ang operasyon at napatay ang mga suspek. Nabawi sa kanila ang isang pistola, isang revolver, bolt cutter, pliers, kutsilyo at isang lata ng spray paint. (Mindanao Examiner) 


No comments:

Post a Comment