FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Wednesday, April 27, 2016

Bata nilapa ng mga aso sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang bata matapos itong lapain ng mga asong -kalye sa Zamboanga City sa Mindanao.
Naganap ang insidente kamakalawa sa Barangay Mampang na kung saan ay agad nasawi ang biktimang si Berson Arabani, 11, dahil sa mga tinamong sugat sa katawan at leeg. Tinatayang 5 aso ang umatake sa bata di-kalayuan sa mga bakawanan sa lugar.
Kasama umano ni Berson ang 3 mga kaibigan nito ng magpasyang manguha ng mga sea shells doon. Pauwi na sana ang mga ito ng makita nila ang isang aso at ito’y binato upang takutin, ngunit lingid sa kaalaman ng magkakaibigan ay may mga iba pang aso sa loob ng bakawan at sila’y hinabol.
Nadapa umano si Berson kung kaya’t tuluyang nilapa ng mga aso hanggang sa ito ay mamatay.
Nagkalat ang mga asong-kalye sa Zamboanga at kahit saan mga barangay ay makikita ang mga ito at wala rin aksyon na ginagawa ang pamunuan ng mga naturang lugar upang dakpin ang mga ito.
Kulang rin sa tao ang city pound kung kaya’t hindi naaasikaso ang mga galang aso sa kabila ng ordinansang ipinatutupad dito. (Mindanao Examiner)


No comments:

Post a Comment