Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Sunday, December 18, 2016

Anti-ilegal logging ops, pinaigting sa ARMM

COTABATO CITY – Pinuri ni Gov. Mujiv Hataman ng Autonomos Region in Muslim Mindanao ang pagkakakumpiska sa maraming mga troso na ilegal na pinutol sa lalawigan ng Lanao del Sur at ipinag-utos nito ang malawakang kampanya laban dito. 
“Tuloy-tuloy itong kampanya natin at hindi naming papayagan na makalbo ang kabundukan dahil sa ilegal logging at itong operasyon ay sa lahat ng lalawigan sa ARMM,” ani Hataman. 
Nakumpiska ng Department of Environment and Natural Resources kamakalawa ang mahigit sa 28,000 board feet ng troso na tinatayang abot sa P1.4 milyon ang halaga sa tatlong sawmill lamang. Agad rin ipinasara ni DENR-ARMM Secretary Kahal Kedtag ang mga ito. 
Naunang ipinag-utos ni Hataman ang total log ban at nakapaloob ito sa Executive Order No. 1 noong 2012 pa, ngunit sa kabila nito ay patuloy umano ang ilegal logging sa lalawigan, partikular sa watershed area. 
Patuloy naman ang imbestigasyon sa Lanao del Sur upang mabatid kung bakit nagpapatuloy ang ilegal logging doon. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment