Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Friday, January 20, 2017

27 MNLF members, dinakip sa Marawi City

CAGAYAN DE ORO CITY - Hawak ngayon ng mga awtoridad ang 27 mga miyembro ng Moro National Liberation Front, kabilang ang isang menor de edad, matapos silang maharang ng mga sundalo sa Marawi City.
Kinumpirma ito ng pulisya at army kahapon at sinabing nakuhaan ng ibat-ibang magtataas  na kalibreng armas ang mga ito ng maharang ang kanilang apat na sasakyan sa checkpoint nitong nakaraang Martes.
Nabatid na isang Commander Abdulaziz Aminodin ang pinuno ng naturang grupo at nasa misyon umano ito na iligtas ang anak na babaeng dinukot ng kaaway na grupo.
Patuloy ang imbestigasyon sa mga nadakip na ngayon ay nahaharap sa kasong ilegal na pagdadala ng armas. Kabilang sa mga nasamsam sa kanilang ay isang machine gun, gayun rin ang isang Barrett sniper rifle, at mga automatic rifles.
Tikom naman ang bibig ng MNLF sa pagkakadakip sa mga miyembro nito. Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang Western Mindanao Command ukol dito at hindi rin nito inilabas ang naturang kaganapan sa media sa hindi malamang kadahilanan. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment