Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Monday, February 27, 2017

Sunfish, napadpad sa dalampasigan ng Zambo

ZAMBOANGA CITY – Isang sunfish o Mola-Mola ang napadpad dito, ngunit kung anu-anong kuro-kuro naman ang bumabalot sa mga residente dahil sa kakulangan ng kaalaman ukol sa naturang isda.
Kamakalawa ay nagulantang ang mga naninirahan sa tabing pampang ng Barangay Sangali ng tumambad sa kanila ang sunfish na halos isang metro ang lapad, ngunit wala na itong buhay.
Takot naman ang umiral sa mga residente doon sa akalang ang paglutang ng sunfish ay sinyales ng paparating na lindol. Ang iba naman ay ikinakatakot na baka magkaroon ng tsunami.
Kamakailan lamang ay isa rin sunfish ang natagpuan di-kalayuan sa Zamboanga State Polytechnic College sa Zamboanga City at noong 2015 at 2013 rin.
Ngunit ayon sa mga dalubhasa ay karaniwang lumulutang ang mga sunfish upang magpainit, subali’t ang iba ay inaatake ng mga mas malalaking isda o kaya ay naaksidente sa ibabaw ng karagatan kung kaya’t humihina ang mga ito hanggang sa mapadpad sa dalampasigan.
Malimit na iniuugnay ng mga Pilipino sa mga lindol ang paglutang ng mga sunfish dahil sa pagiging ignorante ng karamihan. Lalo pa itong nagdulot ng takot sa publiko ng mapadpad ang 3 sunfish sa dalampasigan ng Butuan City, Agusan del Norte at Misamis Occidental bago niyanig ng malakas na lindol ang Surigao City nitong Pebrero 10. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment