Mascot HTML

issuu

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Tuesday, March 7, 2017

DepEd official, pinaslang sa Maguindanao

COTABATO CITY – Napaslang ang isang opisyal ng Department of Education sa Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos itong barilin sa loob ng isang comfort room ng gasolinahan sa Maguindanao province.
Ayon sa ulat, binaril umano sa dibdib si Nasser Bibayan na siyang district supervisor sa Lanao del Sur habang naghuhugas ito ng kanyang kamay at paa bilang paghahanda sa kanyang pag-samba. Naganap ang pagpatay kamakalawa ng hapon.
Sinundan umano ito ng salarin sa loob ng comfort room at doon dinale. Tumakas ang salarin matapos ng pamamaril sakay ng isang Fortuner. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.
Walang inilabas na anumang pahayag ang DepEd sa ARMM ukol sa krimen. (Mindanao Examiner)

No comments:

Post a Comment