Mascot HTML

TELEVISION


Watch live streaming video from mindanaoexaminertv at livestream.com
RADIO

Wednesday, April 26, 2017

Zambo, naghigpit ng seguridad!

PAGADIAN CITY – Naghigpit ng seguridad kahapon ang militar at pulisya matapos na makipagsagupaan ang mga armadong kalalakihan sa mga sundalo sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte province. 
Sinabi ni Supt. Rogelio Alabata, ang regional police spokesman, na naganap ang labanan sa Barangay Tapanayan ng matiyempuhan ng mga sundalo ang armadong grupo kamakalawa. 
Nagtagal ang labanan ng halos 15 minuto, ngunit hindi matiyak kung may casualties sa panig ng mga armado. Hindi naman sinabi ni Alabata kung miyembro ang mga ito ng Abu Sayyaf o New People’s Army. 
Ayon kay Alabata, naka-alerto ngayon ang pulisya sa naturang lugar. Naglagay na rin ng mga checkpoints sa iba’t-ibang lugar doon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:

Post a Comment