FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Thursday, December 14, 2017

Mga sundalo, niratrat sa loob ng disco

ZAMBOANGA SIBUGAY – Kinilala na ngayon Huwebes ng pulisya ang mga biktima ng pamamaril sa loob ng isang disco sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay, ngunit hindi pa rin masabi ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod nito o motibo.
Nabatid na pawang mga sundalo ng 53rd Infantry Battalion ang pinagbabaril at isang sibilyan rin ang sugatan. Patay sa naturang krimen na naganap kahapon ng madaling araw sa Planet Disco House si Pfc. Gerald Jan Aujero Cordero, 27, at natibo ng Isulan sa Sultan Kudarat.
Sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina Cpl. Seperino Randes Damacino at Cpl. Giovanie Diodor, 27, ng taga-Zamboanga Del Norte pero naka-destino sa 102nd Infantry Brigade sa Ipil. At ang sibilyan na si Al Gerald Santos, 36, na natibo naman Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Nasa De Villa Hospital pa rin ang mga sugatan habang patuloy naman ang pulisya sa imbestigasyon sa kaso. Hawak naman ng imbestigador na si PO2 Romer Anggot ang kaso, ngunit hindi naman nito sinasagot ang mga tawag sa kanyang cell phone.
Hindi malinaw kung sino ang nakabangga ng mga sundalo – kung pulis ba, sundalo o sibilyan. Wala rin ibinibigay na anumang impormasyon ang brigade headquarters at ang 1st Infantry Division, gayun rin ang Western Mindanao Command. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment