FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Saturday, February 24, 2018

2 Marines, isang rebelde patay sa Cotabato clash


COTABATO CITY – Napaslang ang dalawang Marines at isa pa ang sugatan matapos silang ratratin ng dalawang armado na pinaniniwalaang mga rebelde sa Cotabato City, ngunit napatay rin ang isa sa mga salarin at sugatan naman ang kasamahan nito sa sagupaan.

Naganap ang atake habang sakay ng isang motorsiklo ang mga sundalo kahapon. Dead on the spot ang isang sundalo. Binaril rin ng mga suspek ang isa pang sundalo na noon ay umaasikaso sa bangkay ng kasamahan sa punerarya at napaslang rin ito.

Ngnit mabilis naman naka-responde ang iba pang mga Marines at hinabol ang dalawang kriminal hanggang sa mapatay nila ang isa at masugatan ang kasamahan na kasalukuyang bantay-sarado sa pamagamutan.

Pawang naka-adestino ang mga sundalo sa Marine Battalion Landing Team 7 sa bayan ng Upi sa magulong lalawigan ng Maguindanao. Inaalam pa ngayon kung miyembro ng Maute group o ISIS ang mga suspek na pawang mga taga-Cotabato City. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment