FB MINEX FB MINEX FB MINEX Twitter Minex ISSUU Minex Press Reader Minex YouTube Minex

Sunday, February 25, 2018

Davao City Mayor Inday Sara palaban kay House Speaker Alvarez

DAVAO CITY – Binuweltehan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez matapos nitong batikusin ang anak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubuo nito ng isang regional political block sa Mindanao.

Inakusahan diumano ni Alvarez si Sara na bahagi umano ng oposisyon dahil lamang sa binuo nitong partido na “Hugpong ng Pagbabago” sa halip na sumanib sa PDP-Laban, ang ruling coalition.

Inalmahan rin ni Sara ang tila banta ni Alvarez kay Pangulong Duterte. Sa Facebook page ni Sara ay ito naman ang kanyang bwelta kay Alvarez: “Ano sabi mo in a crowd, President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!” And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth. Antay ka bukas, I have another story...” Tinawag pa ni Sara na “asshole” si Alvarez sa Kongreso.

“Kung asshole ka sa Congress, don’t bring that to Davao, leave it in Manila. Somebody should tell the President what you are doing. How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl,” wika pa nito.

Kabilang naman sa bagong grupo ni Sara ang mga gobernador ng Davao region at mga politico at kaalyado nito at ni Pangulong Duterte. Si Sara ang tumatayong chairperson nito at ayon sa mga ibang sources ay malaki ang posibilidad na lumipat sa Hugpong ng Pagbabago ang mga miyembro ng PDP-Laban.

Layunin ng grupo na pagtibayin ang suporta ng publiko kay Pangulong Duterte at sa mga programa ng pagbabago nito sa ibat-ibang aspeto mula sa ekonomiya, seguridad ng bansa. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper


No comments:

Post a Comment