MULING hinikayat ng Western Command sa Palawan ang mga rebeldeng New People’s Army na iwan ang pakikibaka at manumbalik sa lipunan at muling mamuhay ng tahimik kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ito ay matapos na mabigyan ng mga ayuda ang 32 mga rebelled, kabilang ang apat na amazon, na sumuko kamakailan sa militar. Ayon kay Captain Cherryl Tindog, ang tagapagsalita ng Western Command, ay nanumpa na ng kanilang katapatan sa pamahalaan ang mga sumuko.
Sumailalim rin ang mga ito sa ibat-ibang livelihood program ng mga ahensya ng pamahalaan upang madagdagan ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pagsasaka, paghahayupan at iba pang mga nakasanayan nilang gawain.
“Ito ay isa lamang sa mga programa ng gobyerno para sa ating mga kapatid na nagbabalik loob sa ating pamahalaan upang makamtan nila ang masagana at tahimik na pamumuhay,” ani Tindog.
Binigyan ri umano ang mga sumuko ng P65,000 bilang livelihood at immediate assistance para sa kanilang pagbabagong buhay. Walang pahayag na inilabas ang NPA ukol sa pagsuko ng mga rebelde at paghimok ng militar sa mga miyembro nito na ibasura ang pakikipaglaban sa pamahalaan.
Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling gobyerno sa bansa. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

No comments:
Post a Comment