Pangulong Duterte nagbanta laban sa mga kriminal, korap at iba pa!
DAVAO CITY – Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magde-deklara ito ng state of national emergency kung patuloy ang krimen, korapsyon at pagbatikos sa kanya ng mga human rights groups.
Inihambing pa nito sa martial law sa Mindanao ang pagbabanta at sinabi ng Pangulo na halos walang kaibahan ang martial law sa deklarasyon ng national emergency. Gagamitin umano nito ang kapangyarihan upang isaasyos ang seguridad ng bansa.
Maging ang mga ahensya ng pamahalaan na talamak sa reklamo at korapsyon ay isasailalim nito sa Office of the President at siya mismo ang makakarap ng mga tiwaling opisyal o empleyado.
Binantaan nito ang lahat ng mga kriminal - sa loob o labas ng pamahalaan – na maghintay sila sa kanyang gagawing mga hakbang na pawang radikal.
Matatanddang ito rin ang ginawa ni Duterte noon nakaraang taon bago ito nag-deklara ng martial law sa buong Mindanao.
Paulit-ulit na nagbanta noon si Duterte na magde-deklara ito ng martial law kung hindi makokontrol ng militar ang rebelyon sa Mindanao at natupad ito matapos na sakupin ng mga rebeldeng grupo na may kaugnayan sa Islamic State ang Marawi City dahil na rin sa kabiguan ng at kapabayaan ng mga awtoridad na ito ay mapigil.
Sa mga nakakakilala kay Duterte, sinasabi nila na talagang tototohanin nito ang kanyang mga banta.
Hindi lang malinaw kung ipa-aaresto ba ni Duterte ang mga kalaban nito sa pulitika o yun mga taong matindi kung bumatikos sa kanya tulad nina Senator Antonio Trillanes at Representative Gary Alejano, o ibang mga miyembro ng Liberal Party at grupo na pinaniniwalaan o pinaghihanalang may koneksyon sa destabilasyon ng pamahalaan upang patalsikin si Duterte.
Hindi naman nagbigay ng anumang reaksyon ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa naging pahayag ni Duterte ukol sa posibleng deklarasyon ng state of national emergency. (Mindanao Examiner)
See media rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: http://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
No comments:
Post a Comment