NAGBANTA ANG PANGULONG Rodrigo Duterte na ipa-papatay ang mga parak na sangkot sa mga tiwaling gawain at kriminalidad kung hindi sila magbabago.
Ito ay matapos na iharap ng pulisya kamakailan kay Duterte sa Palasyo ang mahigit sa 100 parak na umano’y sabit sa iba’t-ibang katiwalian.
Tadtad naman ng mura ang tinanggap ng mga parak sa harapan mismo ni Police Director General Oscar Albayalde at Interior Secretary Eduardo Año at iba pang opisyal ng pamahalaan. Halos bumuga ng apoy ang bibig ni Duterte sa walang humpay na pagmumura nito at kaliwa’t-kanang pagbabantay sa buhay ng mga parak.
At maging ang kanilang pamilya ay pinagsabihan ni Duterte na kung ano man ang mangyari sa mga tiwaling parak ay huwag sisihin ang pamahalaan.
“Tumingin kayo sa akin! Sampalin kayo, putang ina! Tumingin kayo sa akin dito sa mata ko, look at me! Alam mo hindi ko maintindihan kung (paano) kayong mga kriminal nakapasok sa pulis, alam mo sana ang pulis maganda ang reputation, they have improved on their image a lot, tumaas na yung respeto ng taong-bayan sa atin mga pulis, kayo yung, ang salot ng, hindi ko maintindihan kung, putang ina anong...Alam mo sa totoo lang prangkahan ko ngayon ang buong Pilipinas, pag ganoon kayo ng ganoon, putang ina papatayin ko talaga kayo,” ani Duterte.
“Masiguro ninyo yan, wala na ako magawa sa inyo mga ulol kayo, kung hindi mag, I will review your cases, kayo may mga kasalanan, na sindikato sa droga, sindikato sa corruption, meron akong Special Unit habang-buhay bantayan kayo at pag nagkamali kayo ng konti sabihin ko - patayin kayo,” dagdag pa ng Pangulo.
Hindi naman makapaniwala si Duterte kung paanong nakapasa sa pulisya ang mga akusadong parak na tinawag pa nitong mga hayup. “Bakit kayo pumasok sa pulis? Anong nakain ninyo? Itong pulis para lang ito sa mga taong may pagmamahal sa bayan at gustong makapagsilbi sa kapwa-tao. Bakit kayo nakapasok dito? Mga animal kayo. Para naman kayong putang inang mga aso na,” sambit pa ni Duterte.
Sinabi pa ng Pangulo na kung wala lamang mga opisyal na naroon sa Palasyo habang sini-sermonan ang mga parak ay pagpa-paluin na niya ito.
“May opisyal dito ninyo at kung wala ay kanina ko pa kayo pinagpapalo ng…kayong doon na may kaso, huwag na kayo mag bail, huwag ninyo akong sisihin, huwag na kayo mag piyansa magtiis kayo sa loob. Mas safer ang Pilipinas kung nasa loob kayo o kung hindi, patay kayo! Ang sunod ko, sabi noon, na itong mga kriminal sunod kayo, mga pulis ang kriminal, hindi lang ninyo sinisira ang pulis, it’s a government institution and organ of government important to maintain law and order,” ani pa ng Pangulo.
“Kayo naman ang putang ina! Ako ay nagwa-warning lang sa inyo, hindi ako nagwa-warning para pantakot, nagwa-warning ako para gawin ko, yun ang totoo. Wala na yan pantakot, alam ko hindi kayo matakot, may baril kayo, mang holdap kayo, mag kidnap kayo at patayin pa ninyo, at sinabi pa ngayon sa akin, sabi ng hepe ninyo may lumutang na naman ng patay. Putang ina, gusto ninyo talaga akong subukan kung gaano...puwes ibigay ko sa inyo, at para naman sa kaalaman ng taong-bayan ganoon talaga gagawin ko, ganoon talaga ang gawin ko. Letse kayo, yan ang usapan, wala tayong sisihan, ang nangyari sa mga droga, sinabi ko na sa inyo, ano pa naman yang putang ina, hindi pa ninyo maintindihan tapos pagnamatay kayo maraming reklamo, ke(syo) si ano, due process ke(syo) walang, eh samantalang kayo naman ang lumalaban at lumalaban talaga kayo pati kapwa ninyo pulis pinapatay ninyo dahil ayaw ninyong mahuli, yun nangyari sa mga mayor, pinapatay sarili nilang pulis, yun pa ang mga matapang yun mga, kunwari yung mga pamilya due process kainin mo yan due process mo,” dagdag pa ni Duterte.
Tinawag pa ni Duterte na “salot sa lipunan” at “walang silbi” ang mga tiwaling parak at paulit-ulit rin itong nagbanta sa kanilang harapan.
“Wala kayong silbi para sa akin, salot kayo sa lipunan, wina-warningan ko kayo, kayong mga pamilya na nakikinig ngayon, nandito itong mga putang inang asawa ninyo, kapatid, anak. Huwag tayong magsisihan, pagna-ngamatay itong putang inang ito at huwag kayong pumunta sa amin at magsisigaw kayo ng human rights, human rights, due process, wina-warningan ko na nga kayo eh, ayaw ninyong maniwala may kasalan itong mga putang ina ito, eh di kausapin ninyo ako, anong ang totoo. Inutil itong Pilipinas, pati kayo sumasali…kayo ng nga ang inaasahang ko, paano kayo, paano tayo manalo sa mga kalaban natin mga NPA (New People’s Army) eh, kung kayo mismo putang ina, ginawa ninyo yung ginawa nila, kaya ko pinatawag kayo dito wina-warningan ko kayo,” wika pa ni Duterte.
Ilang beses rin itong huminga ng malalim at huminto sa kanyang pagsasalita dahil sa sobrang galit sa mga tiwaling parak. “Walang sisihan huh! Kayong mga pamilya, tingnan ninyo mabuti yung baka isa dito babaksak, o ayan kita ninyo mga mukha nitong mahal ninyo sa buhay. Gusto ninyong kalabanin ang Gobyerno, puwes hindi kayo natatakot sa Gobyerno, oh eh di ako, sige, ako na huwag yun mga…pag bumagsak ito(ng mga parak), trabaho ko period. Eh kayong nasa loob huwag kayong paarte-arte…kagaya ang ginawa ninyo madali ang magpatay ng tao at sundan mo lang sa likod paputukan mo tapos, lakad ka lang kalma(do).”
“Isang newspaper na naman, isang sigawan, ang ingay diyan sa TV dalawang araw lang, tatlong araw tapos na at hanggang diyan lang naman. Media hanggan diyan lang publication headline tapos wala na. History ka na. puwes yan ang gusto ninyo, ibibigay ko talaga sa inyo. Bumitaw ng salita noong isang araw nabasa ko, nalaman ko na pinatay niyo yung kidnap victim, ano kaya kung gawin ko, ano kaya ang isipin niyo kung kidnapin ko yan asawa mo tapos putulan ng ulo, itapon diyan sa…para magdusa ka lang rin, mabigyan ka ng leksyon na pinakamasakit para dudugo ang luha mo diyan sa kulungan na iyan, ngayon ganun yung Apache pati yung rido. Pinatay mo yung ka-dugo niya at babalikan ka talaga, yun ang sa Mindanao baka gusto niyo dito rin sa amin tawag diyan rido,” ani Duterte.
Tahimik lamang sina Albayalde at Año sa mga pinagsasabi ng Pangulo, ngunit halata sa kanilang mga mukha ang talim ng mga salitang binitiwan ni Duterte sa mga abusadong parak. Hindi naman inilabas ng pulisya ang mga pangalan ng mga ito o kung saan sila naka-destino at hindi rin mabatid kung ikukulong ang mga ito o itatapon sa magulong rehiyon ng Mindanao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
No comments:
Post a Comment