KIDAPAWAN CITY –Mainit ngayon ang isyu ng P2 milyong pondo na inilabas ng Department of Agriculture (DA) para sa isang poultry project sa Kidapawan City na idinaan sa asosasyon na karamihan umano sa mga miyembro at Board of Trustees ay kawani sa tanggapan ni Vice Mayor Bernardo Piñol.
Ito ang ibinunyag ni City Legal Counsel, Attorney Christopher Cabelin at lumabas rin umano ito sa isinagawa nilang special oversight committee na siyang nagsiyasat at tumukoy sa mga proyektong pumapasok sa Kidapawan City Government.
Nabatid na ang pondong inaprubahan ni Agriculture Secretary Manny Piñol – na kapatid naman ni Vice Mayor Piñol - ay idinaan sa local government para sa Diamond Agri-Ventures Farmers Association (DAVFA) dahil sa walang kakayahan ito na ma-account ang pondo.
Agad naman sinagot ni DAVFA Vice President Melencio Lambac ang mga alegasyon sa kanilang asosasyon at sinabi nito na wala umano siyang nakikitang conflict of interest sa pagbuo ng mga empleyado sa nasabing asasasyon upang makakuha ng tulong mula sa DA.
Buwelta pa ni Lambac na hindi ito ang unang pagkakataon na hinarang diumano ni Mayor Joseph Evangelista ang proyekto ng DA. Aniya pa, may mga na-download na budget ang DA na hindi naman mga empleyado ng gobyerno ang benepisyaryo at hinarang umano ito dahil sa hindi naman kaalyado.
Para kay Lambac, napulitika lamang umano sila kaya agad na nagbuo na special oversight committee si Evangelista, gayun marami naman umanong proyekto ang pumasok sa city government na hindi naman dumaan sa special oversight committee.
Hinamon naman ni Vice Mayor Piñol si Attorney Cabelin na magpakita ng batas na nagtutukoy na bawal ang mga kawani ng gobyerno na direktang tumanggap ng benepisyaryo mula sa DA. Sinabi rin ni Vice Mayor Piñol na wala siyang nakikitang conflict of interest sa naturang proyekto.
Ibinulgar din nito na sa simula’t sapol, alam ni Mayor Evangelista ang nasabing proyekto at si Attorney Cabelin pa mismo ang lumagda ng memorandum of agreement nito. Dahil dito, hinamon ni Vice Mayor Piñol si Attorney Cabelin kung siya ba ay legal counsel ng city o personal na legal counsel ni Mayor Evangelista.
Dagdag pa nito na ginawa lamang niya ang nasabing hakbang upang makatulong sa mga job order at casual employees ng local government na kakarampot lamang ang kinikita. Suportado naman ng mga empleyado ang hakbang ni Vice Mayor Piñol at nagpasalamat pa nga ang mga ito sa kanya at sa pondo ng DA dahil sa malaking tulong umano ito para sa lahat. (Rhoderick Beñez)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
No comments:
Post a Comment