NORTH COTABATO – Mahigit sa 580 pulis ang ikinalat sa North Cotabato para sa gagawing plebesito ng Bangsamoro Organic Law sa Miyerkoles sa 7 bayan sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Police Regional Director Chief Supt. Eliseo Rasco na mananatili sa lalawigan ang mga parak hanggang Pebrero 8 para tiyakin ang seguridad sa lugar. Ang mga pulis ay mula sa iba’t-ibang hanay ng PRO 12 Regional Headquarter, Regional Mobile Force Battalion, City at Provincial Mobile Force Company, Alert Company at EOD.
Sa nasabing bilang, 100 mga parak rin ang magsisilbing Board of Election Inspectors.
Makikita sa mga larawang ito na ipinasa sa Mindanao Examiner Regional Newspaper ang mga parak na ikinalat sa North Coatabato bilang seguridad sa Bangsamoto plebiscite ngyaon Pebrero 6.
Pinasalamatan naman ni COMELEC 12 Regional Director Shariff Abas ang mga pulis sa maayos at mapayapang plebesito sa Cotabato City noon nakaraang buwan. Ayon kay Abas, kabilang sa mga lugar na lalahok sa plebesito ay ang mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigcawayan at Tulunan.
“Tunay nga na ang iyong tulad at tulong sa halalan ay hindi matatawaran. Ang mandato ng Comelec na maisuguro ang isang malaya, maayos, tapat, at mapayapang halalan ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagtulong-tulong ng lahat ng kinaukulan,” pahayag nito. “The COMELEC is confident that the plebiscite that will be held on February 6 with its affiliates from the PNP and the AFP, will be safe and successful.” (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
No comments:
Post a Comment