KIDAPAWAN CITY – Nangisay hanggang namatay ang isang 38-anyos na karpintero matapos na makuryente sa inaayos na linya ng kuryente sa rooftop ng ginagawang bahay sa Purok Roxas Barangay Tiguman sa Digos City.
Kinilala ang biktima na si Alexander Munsad Artiaga, may asawa at nakatira saBarangay Tukson. Nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi kamakalawa.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakuryente ang biktima dahil sa kawad ng kuryente sa ginagawang bahay na pagaari ni Totong Lagare.
Bigla umanong nangisay ang biktima hanggang sa mahulog ito. Mabilis namang isinugod si Artiaga sa pinakamalapit na ospital pero ideneklarang patay ng mga attending physician. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 Landbank: 195 113 9935
No comments:
Post a Comment