UMANI NG malaking batikos ang kabuuan ng Bangsamoro Transition Authority o BTA na siyang magpapatakbo sa mas pinalawig na Muslim autonomous region na ngayon ay tinatawag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kaliwa’t-kanan ang pagka-dismaya ng maraming Muslim sa pagkakatalaga ng mayorya sa BTA ay pawang mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa pangunguna ni Murad Ebrahim na siyang tumatayong Chief Minister ng BARMM at Public Works Secretary rin.
Nagbanta naman ang maimpluwensyang si Sultan Firdausi Abbas, ng Moro National Liberation Front, na bubuo ito ng panibagong grupo matapos sabihin na walang kakayahan si Ebrahim na manungkulan, gayun rin ang mga lider ng MILF na nakaupo sa BTA.
“I do not believe that Murad is qualified to be chief minister. I don’t think that he even has the vision to make this work,” ani Abbas sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN.
Bukod kay Ebrahim, kabilang rin sa BTA si Mohagher Iqbal at Ghazali Jaafar, na pawang mga vice chairman ng MILF; at ang kontrobersyal na lider ng rebeldeng grupo na si Abdullah Makapaar alias Commander Bravo, na isa umanong terorista at sabit sa maraming atake at pagpatay ng mga sibilyan sa Mindanao.
Tinawag naman ni Abbas na “virtual dictatorship” ang pamumuno sa BTA ng MILF at isusulong umano nito ang sariling krusada na suportado ng maraming mga Muslim. Titiwalag na umano ito bilang vice chairman sa MNLF faction ni Yusop Jikiri, na dating tauhan ni Nur Misuari, ang siyang kinikilalang lider ng MNLF sa Sulu.
Wala rin puwesto sa BTA o BARMM si Misuari na mariing tumututol sa MILF at peace talks nito sa pamahalaan.
“Right now we have no respect for people I find contemptible and despicable. Lalabas kami because we find it unbearable to be in the company of people, who no longer have in mind the pursuance of the goals of the MNLF, which is to establish a Bangsamoro homeland that is truly progressive,” ani Abbas, na isa rin batikang abogado.
Inakusahan rin ni Abbas si Jikiri at ilang kasamahan nito sa pakikipag-sabwatan sa MILF kapalit ng puwesto sa BTA o BARMM. Tatlong taon mamumuno ang BTA - na may 80 miyembro - sa BARMM habang wala pang eleksyon, ngunit pinangalanan na ni Ebrahim ang mga uupong pinuno sa ibat-ibang ahensya ng rehiyon.
“It’s a tyranny committed against the Bangsamoro,” wika pa ni Abbas. “We see now the avarice for political power of the MILF and they’re grooming all their children to be the political kingpins in their areas.”
Sinabi pa ni Abbas na inilaglag siya ni Jikiri dahil hindi umano siya kayang kontrolin ng MNLF. “I was left out because they know that they cannot control me and they know I would not fear them,” dagdag pa nito.
Ayon kay Abbas ay dapat busisiin ng Kongreso ang Bangsamoro Organic Law o BOL at magpatawag ng halalan sa BARMM sa loob ng 6 buwan.
Matatandaan naghain rin ng petisyon sa Korte Suprema noon nakaraang taon si Sulu Gov. Toto Tan at Philippine Constitution Association at kinukuwestyon ang legalidad ng BOL dahil labag umano ito sa Konstitusyon. At hanggang ngayon ay wala pa rin tugon ang Korte Suprema sa mga petisyon.
Idinagdag pa ni Abbas na walang basis ang BOL dahil ibinasura na ang orihinal na bersyon nito. “The group had no basis to claim credit for this law because its original proposal was rejected. We changed that. This is an entirely different law,” paliwanag pa ni Abbas. (Mindnaao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 Landbank: 195 113 9935
No comments:
Post a Comment