KIDAPAWAN CITY - Pitong katao ang nasawi kabilang na dito ang 4 na mga bata matapos na magkarambola ngayong Biyernes ang mga sasakyan sa rotunda ng Alunan Avenue sa Tacurong City.
Ayon sa pulisya, apat na sasakyan ang nagbanggaan sa naturang lugar at patuloy ang imbestigasyon sa madugong aksidente.
Nakilala ang mga nasawi na sina Najmea Kusain; Juhaiber Mamusaka, 12; Juhaina Mamusaka, 9; Aipa Mamusaka, 2; Juhairi Mamusaka, 1, at pawang residente ng General Santos City.
Gayun rin sina Atong Ontong, 19, na residente ng bayan ng President Quirino sa Sultan Kudarat, at isang Brent Nicole Marohombsar na drayber ng Toyota HiLux Pick-up.
Sugatan naman sina Nasser Mamosaka, 33, at driver ng tricycle; Nahib Mamusaka, 5; at Juhaira Mamusaka, 3, Ariel Ypil Legada, 23, Marielle Legada, 23; at residente ng Tacurong City, Dr. Omar Shariff Cabalida Acob, 29; Joher Mamalinta, 21; Arnel Dansalan, 24; at Voksany Alid. At Salman Abdul Asis, 21; Khryss Madahan, 23; Carl John Canto, 21; at Vince Harley Camarao, 18.
Batay sa imbestigasyon, nasa iisang lane at magkakasunod na binabaybay ng mga sasakyan ang highway papunta sa direksyon sa rotunda, pasado alas-4:00 ng madaling araw ng magbanggan ang mga sasakyan sa unahan hanggang sa nadamay ang nasa likuran. (Rhoderick BeƱez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates
No comments:
Post a Comment